May teorya na naglalayon na basagin ang tradisyunal na pagkakategorya na ang kasarian ng babae sa mga lalaki at ang iba pang mga kasarian katulad ng mga homosexuals, transgender, at bisexuals na naghahanap ng pagkakakilanlan bilang mga kasarian din ng tao at hindi mga abnormal na kasarian. May teorya naman na humihikayat na buksan ang mga kaisapan ng mga tao laban sa epekto ng midya sa ating lipunan katulad ng Frankfurt School at Birmingham School. May teorya din na lumalayon na baguhin ang mga pananaw ng modernong panahon at isentro ang sarili na siyang layunin ng post-modernong pananaw. At mayroon ding teorya na nagbibigay ng puwersa sa mga minorya katulad ng nilalakad na pag-aaral ng mga Pranses.
Sa kabuuan, isang malaking misyon ng mga teoryang ito na kwesttyunin ang mga bagay na bumubuo na sa lipunan. Mga konserbatibong bagay na sa karamihan ay parang siya ng tradisyon at tamang paniniwala. Ang hindi sumunod sa nakasanayan ng mga bagay ay matatawag na kakaiba at nagiging dahilan ng mga diskriminasyon at hindi patas na pagtrato.
Ang mga teoryang kanluranin na ito ay malayang binibigyan tayo ng makabagong kaisipan na maging bukas, liberal, at kritikal sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, sa mga paniniwalang isinubo sa atin ng lipunan, at sa mga tradisyon na syang nakasanayan na. Hindi mali ang sumaway sa daloy ng tubig at panahon. Ang maging iba ay hindi isang pagkakamali, bagkus ito ay ising paraan ng pagtingin sa mundong nagbabago sa paglipas ng panahon. Napapanahon na magbago tayo ng mga pananaw at maging malayang bukas sa mga isyung kinakaharap ng ating lipunan.
Itinuro ng kultural na marxismo ng Frankfurt School na kung paano ang isang mdiya, bilang isang instrumento ng konsumerismo, ay naglalason sa kaisipan ng mga taong naging mekanikal na ang paraan ng pagiisip. Mukhang sa panahon ngayon, ang kapitalismo ay buhay na buhay pa rin at hindi lang sa larangan ng ekonomiya ito namamalagi. Sa pangaraw-araw na buhay natin, sa ating mga kultural na gawain, napasukan na ito ng kapitalismo.
Ang mga tinatawag na culture industry ng mga pangunahinng miyembro ng tanyag na Frankfurt school ay ang mga paraan ng kapitalismo na hubugin ang mga kaisipan ng mga tao na maging uto-uto, sunod-sunuran, mababaw, o kaya hindi nag-iisip. Ang midya ang isang malaking halimbawa kung paano ang isang indibiduwal ay napapailalim sa impluwensya ng kapitalismo at sa huli ay nagiging isang produkto na nito.
Sa pagsasatuwid ng baluktot na kaisipan na ito dulot ng midya at iba pang paraan ng kapitalism sa panahon ngayon tulad ng radyo, dyaryo, at iba pa, layunin ng mga miyembro ng Frankfurt School na lumikha ng teoryang cultural marxism ay liwanagin ang mga kaisipan ng mga tao na maging isang kritikal na tao. Hindi dapat tayo naniniwala sa kung ano man ang ipalabas sa mga midya. Tayo ay dapat na maging skeptikal sa lahat ng mga bagay dahil kung hindi tayo rin ang magiging mga mekanikal na tao na kontrolado ng mga nakakalason na mga iba't ibang anyo ng kapitalismo, katulad na rin ng tingin ni Marx sa mga mangagawang inaabuso ng mga naghaharing uri sa lipunan.
Sa usaping kultura, hindi maaring mawala sa sakop na ito ang pag-aaral ng seksuwalidad at gender. Dahil sa hindi patas na pagtrato at pagtingin sa mga iba pang kasarian partikular na sa mga kababaihan at ang mga miyembro ng makulay na LGBT community, naging imperatib na sa mga grupong ito na lumikha ng teorya na magsasalba sa kanila sa mga opresyon at diskriminasyong kanilang dinadanas sa isang mundo na mukhang pinaghaharian ng mga kalalakihan.
Ang patriyarkal na mundo ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga babae ay naisasantabi at ang mga iba pang kasarian na hindi kabilang sa tinatawag na male-female dichotomy at gender differentiation ay napagmamalupitan ng mapangmatang lipunan sa kanilang hindi pagbilang sa tradisyunal na mga kasarian na tinakda ng lipunan at maging ng diyos.
Bukod sa mga babae, ang mga miyembro ng mga LGBT society ay ganon din dapat ang maging pagtanaw sa mga kababaihan. Maging sila ay nakakaranas ng diskrimanasyon ng dahil sa hindi pagtangap ng kanilang mga kasarian na labas sa kung dikotomiya ng lalaki at babae. Sila ay mga espesyal na mga tao na nagnanais na makilala rin ng lipunan at hindi turingan na mga salot at kakaiba.
Wala sa gender kung baga ang pagkatao ng isang tao. Lahat tayo ay pantay-pantay kaya nararapat na bigyan natin ng sapat na respeto ang mga tao kung ano man ang kanyang gender.
Wala sa gender kung baga ang pagkatao ng isang tao. Lahat tayo ay pantay-pantay kaya nararapat na bigyan natin ng sapat na respeto ang mga tao kung ano man ang kanyang gender.
Marahil isa na sa pinakamalawak na kanluraning teoryang kritikal ang postmodernismo. Kung titignan, mukhang isang buong bagong panahon ang ninanais nitong masakop sa pagdidiskurso ng kultura. Isang partikular na tinutuligsa nito ay ang mga bagay na naging kakabit na ng pagsasalarawan na kung ang ano ang moderno. Moderno sa istriktong salita na ito na ang mga nakatatak sa mga isipan ng mga tao at mga tradisyunal na kaalaman na masasabi natin na tanggap na sa lipunan.
Sa modernong pagdidiskurso, hindi na ito hiwalay sa mga katangian ng siyensya. Bilang produkto ng enlightenment period at scientific revolution, ang modernismo mo ay nangangailangan ng isang lohikal, eksakto, positibo, at totoo na produkto ng pag-aaral. Dapat ito ay napapatunayan na gamit ang metodolohiya ng siyensya.
Sa modernong pagdidiskurso, hindi na ito hiwalay sa mga katangian ng siyensya. Bilang produkto ng enlightenment period at scientific revolution, ang modernismo mo ay nangangailangan ng isang lohikal, eksakto, positibo, at totoo na produkto ng pag-aaral. Dapat ito ay napapatunayan na gamit ang metodolohiya ng siyensya.
Sa maikling salita, ang postmodernismo, bilang isang pagaaklas na baguhin ang mga istrukturang ito na nilikha na ng modernong panahon, ay naglalayon na idekontruksyon ang mga porma o istrukturang nakatatak na sa ating lipunan. Napakaradikal na paglaban ang pinapakita ng postmodernong tao dahil mula sa zeyro ay susubukin niyang sirain ang pinakapundasyon na ng istruturka at sikapin na baguhin ito na aayon sa kanyang pananaw.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento