Panimulang Silip (ikalawang parte)

Sabado, Pebrero 4, 2012 by Orestes C. Magdaraog III
Entry sa araw ng Janaury 9, 2012

          Moderno at Tradisyunal. Sa mga panahon na ang mga sangay ng aralin ay dapat na maging moderno, kalkulado, at obdyektib, naging isang batas na sa akedimiya na gumamit ng siyentipikong metodolohiya upang maipakita na likha ng agham ang kanilang pag-aaral. Sa introdukyon ng kursong ito, hindi ko akalain na nasa ganitong pagsubok din pala ang disiplina ng agham pulitika (poltical science). Ang pagsubok na humiwalay sa isang institusyon na  ng paglalarawan ng isang sangay ng pag-aaral - mapapultika, kasaysayan, ekonomiya, antropolohiya, sikolohiya, sosyolohiya, at iba pa.

         Naalala ko ulit ang pagsubok na bumaligtad sa isang malasiyentipikong pag-aaral ng kasaysayan. Sa tradisyunal na pagsusulat ng naratibo sa disiplinang ito, isang batas na sumalat na naaayon sa empirisismo o positibismo kaya ang kasaysayan ay dapat na isulat ayon sa mga nakalap na sulating batis (written sources) lamang. Isang pagtataksil na sumulat na hindi pwedeng masukat, mahusgahan, at makita ng mata. Naisip ko na sa pagsunod sa ganitong paraan ng pagsusulat ng istorya, di kaya napaka-elitista naman ng tradisyunal na kasaysayan?

          Papaaano naman ang mga taong hindi naidokumento ang kanilang salaysay? Salaysay na maglalarawan ng kanilang kasaysayan. Nangangahulugan ba na hindi sila parte ng kasaysayan sa kadahilanan na hindi nila isinalin sa dokumento ang kanila buhay? Kung ganon ang patakaran, magmumukhang isang pulitikal na kasaysyan lamang ang disiplinang ito na puro salaysay tungkol sa mga hari, mga nagwagi sa giyera, mga presidente, mga heneral, at iba pa. Nasan na ang mga karaniwang tao? Mga babae? Mga magsasaka?Mga kaibigan nating pangkat-etniko?

          Isang malaking bagay na sa pos-moderno panahon ngayon, tila sumabay sa agos ng panahon at pagbabago ang pagsusulat ng kasaysayan. Hindi na siyentipiko ang pinakabasihan, kung hindi ang mga tao mismo. Mas nagiging mainit ang pagsasalaysay dahil ang mga mismong tao, ang kanila kultura, wika, relihiyon, tradisyon, at iba pa, ang magiging sentro ng interes ng isang pos-modernong at makabagong manunulat.

         Nakakatuwa na maari rin palang isalin ang pos-modernong pananaw sa disiplina ng agham-pulitika. Sabi ni Sir Contreras, ang polsci ay hindi lamang puro siyensya na nagiging predictable na kung baga. Muling isinisentro ang mga tao sa araling ito. Hindi lang puro mga estado, paggawa ng polisiya, at panunungkulan ang tinatalakay dito kundi pati na rin ang mga pangaraw-araw na buhay ng mga tao ngunit nagiging malaking parte ng kanilang pagtingin ng pulitika. Hindi pala talaga mahihiwalay ang pag-aaral ng kalinangan (kultura) na maging sa pulitika ay maari rin itong pagukulan.


Posted in | 0 Comments »

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento