Discourse Analysis
Linggo, Marso 25, 2012
by Orestes C. Magdaraog III
Entry sa araw ng March 1 at March 5
Inabot ng dalawang araw ang pagtalakay namin sa aralin na ito. Pahapyaw na lamang namin na napagdiskusyunan ang leksyon dahil nasira naming buong klase ang araw ni sir dahilan kung bakit nawalan siya ng gana na magpatuloy na kanyang leksyon. Kung hindi, isang leksyon na puno ng mga sermon ang inabot naming mga mag-aaral dahil sa kapabayaan naming lahat na mapagtagumpayan na gawin ang mga nakatala sa kursong ito partikular na sa paggawa ng blog na ito at sa mga pagbabasa ng mga nakatakdang basahin para sa klase.
Bukod sa mga aralin na may direktang kinalaman sa akademya, mga leksyon na may kabuluhan rin naman ang binigay ni Dr. Contreras. Naintindihan ko na hindi dapat abusuhin ang pagiging mabait ng isang gurong katulad ni Dr. Contreras. Dahil dito, napilitan siyang isantabi ang kanyang pagkapusong mamon at umaktong guro na may kamay na bakal upang kami ay bigyan niya ng leksyon. Sa pagtatapos, binigyan niya kami ng isang hamon na tapusin ang nakatakda sa amin para sa kursong ito at baguhin ang ugali para sa paghahanda sa susunod na klase.
Sa pagbabalik namin sa susunod na klase, napagaralan namin ang mga paraan ng pagdidiscourse analysis. Ang mga paraan na ito ay ang mga sumusunod:
1. Hermeneutics-content analysis
2. Genealogy/Archaeology o ang pinagmulan at paano naporma ang diskurso
3. Deconstruction
Posted in |
0 Comments »
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento