Pagdidiskurso Sa Araling Kultura

Linggo, Marso 25, 2012 by Orestes C. Magdaraog III
Entry sa araw ng February 27, 2012



        Naging malikhain ang paraang ng pagtuto sa klase sa hapong ito. Ang diskusyon namin ay nagtalakay sa paglikha ng kultura na sumasalamin sa isang interes sa lipunan. Nabanggit ang mga iba't ibang paraan ng pagdidiskurso ng mga produkto ng kultura.

       Ang una sa mga paraan ng pagsusuri ng kultura ay tinatawag na analysis of the logic and drivers of production, na kung saan ang may likha ng isang produktong kultural ang bubusisiin ng mabuti upang malaman ang isang kultura. Halimbawa na lamang sa mga pelikula, ang direktor ang susuriin at kung paano ang kanyang interes, impluwensiya, at karanasan ay nakaapekto sa pagbuo niya ng kanyang mga pelikula na isa ng produkto ng kultura ng lipunan. Ang ikalawang paran ay ang pagsuri ng nilalaman o analysis of contents. Dito papasok ang paghihimay ng may lalim ang paraan ng paggawa ng isang produktong kultural at ang mga nilalaman at istruturang bumubuo dito. Ang panghuli ay ang pagsusuri sa mga epekto. Sa huling paraan ng pagdidiskurso ay tinitignan dito ang mga epekto nito sa lipunan.

        Upang makuha pa namin ang kagandahan ng mga diskursong ito, pinanood kami at pinagana ang aming mga tenga sa iba't ibang mga videos at mga kanta. Ilan sa mga ito ay ang awiting may pamagat na "Last Song,"  ni Elton John, "God Bless the Outcast," na isa sa mga soundtrack sa pelikulang Hunchback of Notre Dame at ang "Mas Mahal na Kita Ngayon" ni Michael V. Ginamit itong mga halimbawa ni Dr. Contreras upang idiskurso ang mga nilalaman ng mga ito. Kung paano nagiging isang malaking impluwensiya ang isang taong naglikha sa kanyang produktong kultural. Kung paano ito sinasalamin ang iba't ibang interes sa lipunan. At kung paano ito nagdudulot ng epekto sa lipunan.

         Para sa akin, nalaman ko na maraming angulo pala ang maaring tahakin sa pagsusuri ng isang kultural na bagay. Maraming pwedeng mapaghugutan na aspeto upang mailabas pa ng buong-buon ang kahulugan ng isang kultura. Dito natin makikita na iba't iba talagang ang paraan ng pagiisip ng mga tao. Maaring ang kanyang karanasan ay makaapekto sa kanyang likha. Kung hindi naman, baka ang kanyang interes at lahi ay maging isang malaking impluwensiya upang maiba ang kahulugan ng isang bagay. Sa huli, marami pa tayong dapat na madiskubre dahil ang isang bagay ng kultura ay hindi lang nabibigyang kahulugan sa iisang paraan lamang.
Posted in | 0 Comments »

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento