Tuwing umaga pagkagising ko upang pumasok, lagi kong makikita ang nanay at lola ko na nakapang-exercise. Jogging pants at manipis na mga paintaas ang kanilang unipormer kapag umaga. Yun pala ay lagi silang umaattend ng isang aerobics sa aming barangay. Libre lamang ito at proekto ng aming kapitan. Mangilang ulit pa lamang ko silang nadadatnan na nag-aaerobics dahil di naman ako mahilig doon at higit sa lahat ang ehersio na ito a pangmatanda lamang!
Hindi ako nagkakamali dahil nung minsang tinignan ko sila ay puro nga may edad ang sumasali sa kanilang araw-araw na pagpapalakas ng katawan. Mas nakakararami ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Puro mga nana yang nandito dahil may mga anak din silang dinadala at malimit ay nagtatakbuhan lang sa tabi. Hindi maporma ang karamihan sa mga nag-aaerobics sa barangay naming. Tsinelas at pambahay lang ay pwede ka nang lumahok at magpawis sa kanilang paggagalaw.
Mainit sa lugar naming at ang barangay court ay sobrang nalilimliman kaya kapag tirik ang araw a walang umiihip na hangin sa loob ng court. Di na nakakapagtaka kung bakit latak sa mga pawis ang mga nageehersisyo dito sa loob at sa paglabas ay mga amoy pawis na. Masasabi ko na hindi naman mga ganoon kaayaman ang mga lumalahok kung titignan sa kanilang pananamit.
Ang mga materales o equipment na ginagamit sa aerobics nila sa barangay ay hindi naman ganoon kaganda at kamahal. Simple CD-player lamang at mga dalawang di gaanong kalaking mga speaker ang ginagamit para sa kanilang aerobics. Ganoon pa man, ang ehersiyo ay matagumpay at nakakapagpagana sa mga tao sa barangay dahil kahit papaano ay mayroon silang paraan ng libangan at pagpapalakas ng katawan.
Ang aerobics session naman na pinuntahan ko sa isang gym na malapit lamang sa amin ay ibang-iba sa mga naobserbahan ko sa aming barangay. Masasabi ko na puro mga nasa middle class ang mga lumalahok dahil sa kanilang mga kasuotan na mga branded na mga damit at jogging pants. Pati ang mga bags at rubber shoes ay mukhang may mga tatak din. Bukod pa doon ay nagbabayad din sila para sa mga session ng kanilang pagaaerobics
Maganda sa loob ng gym. Malinis, malamig, maliwanag at malawak kung ikukumpara mo sa lugar ng pagaaerobics sa aming baranga. Maganda rin ang kanilang mga materyales na ginagamit sa pagaaerobics. Mga malalakas na speakers para sa kanilang mga kanta at may mga TV screen pa sa dingding para sa mga demonstrasyon ng mga steps na kanilang ginagawa.May mga fountain din o inuman at may mga malinis at maayos na mga facilidad o banyo.
Hindi naman nagkakayo ang mga bilang ng mga lalaki at mga babae na nagaaerobics dito. Malawak din ang mga edad ng mga sumasali. May mga matatanda, at marami ding mga nasa estudyante lang ang edad. Mas organisado ang kanilang pagaaerobics. Talagang makikita mo na isa ng pastime o hobby ng mga lumalahok dito ang pagaaerobics.
Sa katapusan, nakakatuwa na magkumpara ng dalawang nabubuong kultura sa mga nag-aaerobics sa dalawang magkaibang mga lugar o venue. Sa paghahambing na ito, nakita natin na ma mga malinaw na distinksyon sa edad, kasarian, at antas sa buhay ang mga gusting magpalakas ng kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pagaaerobics. Kung gusto mong makalibre ay sa mga libreng aerobics session sa mga barangay ang pwedeng puntahan ngunit kailangan mong pagtiisan ang init, sikip, at ingay. Pero kapag mas nakakaangat sa buhay, hindi mahirap na magwaldas ng pera para mag-aerobics sa mga gym.
1 (mga) komento:
youtube5k1hd7y9 - YouTube
youtube5k1hd7y9 - YouTube - Discover the latest channel of youtube5k1hd7y9 - youtube5k1hd7y9 - YouTube - Discover the latest channel of mp3 juice youtube5k1hd7y9.
Mag-post ng isang Komento