Entry sa araw ng February 16, 2012
Ang post-kolonyal na teorya ay may mas malalim na patungkol sa nasyonalismo ang nais na himayin. Sa pagaaral ng partikular na teorya na ito, hindi ko maalis sa aking isipan ang dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyalistang mga Amerikano. Bilang bukas na sa kasaysayan, halos kabisado ko na ang lahat ng mga angulo ng istorya kung paano pinagmalupitan, inabuso, at inalipin ng mga imperialistang mga dayuhan na ito na nagtatago sa kanilang mabituwing bandila na sa una ay pangakong demokrasya ang gustong ibahagi sa mga Pilipino ngunit ng sa kalaunan ay kalupitan at dahas pala ang idudulot na kinasawi ng maraming mga Pilipino noong panahong iyon.
Nakakamangha kung paano minanipula ng mga Amerikanong ito ang mga Pilipino na umayon sa kanilang interes at obhektibo. Sa pamamagitan ng edukasyon, naihubog nila ang mga Pilipino sa kanilang sariling imahe. Tinuruan daw nila tayo kung paano magpatakbo ng isang gobyerno dahil tayo daw ang mga mangmang at hindi marunong sa ganitong kalakaran kaya nila tayo sinakop. Dinala nila rito ang kanilang pinagmamalaking konsepto ng demokrasya para maenganyo ang mga Pilipino na umanib sa kanila.
Sa mga panahong nakalipas, hindi maitatangi na mukhang tagumpay ang mga kolonyalistang ito na alisin ang pagkapilipino sa atin at maging isang tagahalik sa mga paa ng mga kanluraning kultura. Nakakalungkot dahil hindi natin napagtagumpayan na protektahan ang ating bansa na maging malaya sa mga imperialistang ito. Tinangal nila sa atin ang ating pagkapilipino. Ginawa nila tayong mga tagasunod nila at maging sa neokolonyal na panahon na ito, ayon kay Renato Constantino, isa pa ring malaking impluwensiya ang Amerika sa mga kaganapan dito sa Pilipinas na isa ng malaya at may sarili ng gobyerno ngunit hindi pa rin humuhiwalay sa mga kamay ng mabituwing walang awang bandila
Ang post-kolonyal na teorya ay maglalayon na subukang ibalik ang mga katangian na tinangal sa atin ng mga kolonyalistang ito. Hindi sa kanilang perspektibo at impluwensiya mangagaling ang ating identidad. Tayo mismong mga Pilipino ang kikilala sa ating mga sarili.
Mabituwing Walang Awang Bandila
Linggo, Marso 4, 2012
by Orestes C. Magdaraog III
Posted in |
0 Comments »
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento